Biyernes, Enero 10, 2014

It's Been Months and for the First Time, What Past is Past!

Hindi ko alam kung bakit naisip ko gumawa ng blog. I just felt like I wanted to try something new this 2014. And one of the new things that I want to try is this. Feeling ko kasi sa blog mas ma-express ko yung mga gusto ko sabihin. No more holding back, just let it out! Pag sa ibang social network like facebook and twitter parang mas korni pag doon ka mag-dradrama. So I think blogging is the best way for me to share all my sentiments and whatever things that I want to share.

And since it's already 2014, I titled my blog as "Ashley@365". Wala lang gaya gaya lang ako sa friend ko, kase mukhang maganda mag simula ako sa 365 days of my life. It's like today (January 11, 2014) is the first day of the first month for me. And as a popular quotation said, write a good one. Days, weeks and months will pass by and I want to cherish each day of my life by writing down all my sentiments, joy, sorrow, frustrations, achievements, happenings and many memorable experience of my life. 

Today is Saturday at kahit weekends ngayun required kami pumunta sa school just to assist our students for the dance presentation for the Foundation Day this coming January 27-30, 2014. Nakakaloka lang kase masakit pa din puson ko at wala ako choice kundi pumasok. 

Napaka-rami bagay ako dapat gawin at dapat tapusin ngayun katulad ng exams, thesis and powerpoint presentation for my final demo teaching in January 22, 2014 *sigh*.

Pero bakit ganun kahit busy ako naalala ko pa rin sya (I'm referring to my last boyfriend). Sabi ko sa sarili ko hindi ko na bubuksan yung facebook ko para tignan lang yung profile nya. Pero kaninang umaga as I opened my account, naalala ko sya at tinignan ko profile nya. Ang epic lang kase nakita ko nag-palit sya ng profile picture nya at cover photo nya. And guess what anu ang bago nya cover photo? Ang bago cover photo lang naman nya yung mga friends nya habang nasa tagaytay sila. Chef lang talaga kase mukhang totoo nga yung sinabi nya sa akin nung nag-break kami na masaya na sya sa buhay nya kahit wala ako. Hindi na nya ako ma-mimiss. At ang pinaka-masakit sa lahat, hindi na nya ako mahal. Chef lang yun lang ang pinaka-masakit sa lahat at pilit ko kinakalimutan ko na. Pero paninindigan ko din yung sinabi ko na hindi ko na sya guguluhin, dahil ayoko na din mag mukhang tanga. I don't deserved him. Lahat ng sakit na naramdaman ko noon dahil iniwan nya ako, alam ko may kapalit na saya yun pag nakita ko na yung tamang lalake na para sa akin. Naniniwala ako na may darating na lalake sa buhay ko na hinding hindi na paparamdam sa akin yung mga sakit na naramdaman ko sa relasyon namin dati. Maybe, bata pa talaga kami kaya hindi nag-work out sa amin. Bata pa kami in a sense na immatured pa kami sa pag dating ng pakikipag-relasyon. Sabi nya nakakasakal daw ako, at OA mag-selos. At tanggap ko na mali ako doon. Ngunit hindi ko matanggap na agad agad nawala yung feelings nya. Yung happy memories namin together. Nakalimutan na nya yung first kiss namin habang hinahatid nya ako sa sakayan. First Movie date namin na sabi nya first time nya daw manood ng movie sa sinehan. Nakakatawa noh na parang sweet yung dating sa akin. Haha. Nakalimutan na din nya yung lahat ng efforts nya sa akin for 5 months na relasyon namin. Yung araw-araw na pag tetext-an namin at yung mga panahon na tatawagan pa nya ako para lang itanung kung nasaan ako, kung safe ako nakauwi sa bahay at pag mag-goodnight sya at magsasabi ng mga salita na sobrang na-mimiss ko sa kanya. Ang mga salita na pinaghahawakan ko at nagpapaniwala sa kain na may totoo pag-ibig. Mahal na mahal kita at sobrang miss na kita, yang mga kataga na yan na iba ang effect sa akin pag sya na ang nagsabi. Sobrang miss ko na sya pero sobrang sakit na din lahat ng mga nangyari sa amin. Kaya tanggapin ko na lang na hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na ito ay para sa atin. Maari makuha natin pero agad-agad mawawala din sa atin kase baka kaya nawala para matuto tayo maging strong at tumayo sa sarili natin mga paa. At matanggap natin ang katotohanan sa mundo na ito na wala talaga perpekto. At lalong lalo na hindi natin pwede ipilit ang mga bagay na hindi talaga para sa atin. So, I knew to myself that I really wanted him to come back but I choose not to, because I know God has a reason for everything. I just trust Him and not my own will. I'll keep on my faith that this time I will be a better person and looking forward for many beautiful things and lesson God will teach me in my journey. God is really good all the time!

Naalala ko lang din yung mga ginawa ko noong mga first week ng break-up namin. Sobrang stress ako sa sarili ko, hindi ko kinakausap kahit sino. At sa Practice Teaching ko lagi ako wala sa mood, at palage mainit ulo ko sa mga estudyante ko kaya ang lagi sinasabi ng mga students ko lalo na sa 3rd year High School ko na ang sungit ko daw. Ha ha. Hindi nila alam baliw din ako minsan. :D Pero kahit sobrang busy ko sa practice teaching nun kase from 6am to 4pm yung klase ko, pag uwi ko naman sa bahay kahit pagod na pagod ako naalala ko pa din sya. Inaantay ko pa din mag-text sya, baka tumawag sya. Baka i-add nya ako ulit sa facebook ko (iun-friend ko kase sya at naka-block din sya). O kaya i-chat ako ng mga common friends namin at sabihin na nakikipag-balikan na sya sa akin. Pero hindi nangyari yun. Lumipas yung linggo, haggang sa naging buwan na. Hindi na ako umasa at hindi na ako umaasa. Kaya kahit masakit noon kase lagi ako umiiyak bago matulog habang nakikinig ng mga senti-songs sa mp3 ko haggang sa makatulog ako. Kahit sa school makikita nila ako naka-headset tapos kumakain sa canteen mag-isa walang kausap. At bakas na bakas sa mukha ko na malungkot ako. Pero pinilit ko pa din magmove-on. Pinilit ko pa din maging masaya. Kaya ginawa ko noon nagbabasa basa ako ng mga books like wattpad at mga advise book how to move on. And guess what, wala ako sinunod kahit isa sa mga naka-list na paano mag-move on. Ha ha. Siguro dahil naniniwala ako na may kanya kanya tayo way how to move on. Kase ako hindi ko hilig magpagupit ng buhok after break-up, hindi ko hilig kumain ng madami like stress-eating ang tawag nila. Wala kahit isa doon ang ways ko paano mag-move on. I just embrace the pain while I'm in the process of accepting the fact the he will never ever come back to me. Haggang sa matanggap ko na din na hindi kami talaga para sa isa't isa na may iba sya priority at may iba ako priority. 

Ngayun as for the present, I just enjoying what ever happenings and people coming into my life. Naniniwala na kase ako na dapat hindi minamadali yung mga bagay bagay lalo na sa pakikipagrelasyon. Dapat there's a long friendship and courtship before you guys decide to put your relationship on the next level like romantic relationship/marriage. I really want to take things slow now. Ayoko na pag gusto ko agad yung guy, at gusto din nya ako makikipag-relasyon na ako agad. I've learned that love is not enough for a relationship to work out. There's should be a strong bond, long patience, trust and GOD is the center of your relationship. Sabi nga ng friend ko "Hinding hindi ka magkakamali sa lalake pipiliin mo, kung yung lalake na yun ay may takot sa Diyos. Hindi dapat gwapo o mayaman ang sukatan, dapat may maganda sya relasyon sa pamilya nya at sa Diyos." And I strongly agree on that part. :)

Kaya kahit may mag nanliligaw at gusto manligaw man sa akin. Yung mga nagpaparinig at nagpaparamdam ng kanilang mga balak. Ang lagi ko lang sagot na, ayoko pa, ayoko muna, tama na muna, time-out muna ako. Kase alam ko sa sarili ko na hindi pa ako ready. At ayoko mag-risk ng sobra muna ngayun, gusto ko muna magpahinga sa lahat ng bagay na pwede magpasakit sa akin. Gusto ko this time mas worth it na yung tao pipiliin ko, yung sure na sure na ako. At walang kahitt anu doubt and if God will allow sana yung guy na sunod na makaka-relasyon ay sya na din yung huling lalake na mamahalin ko dito sa mundo. Sya na yung bubuo ng mga pangarap ko katulad ng masayang pamilya at buhay na mapayapa. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento