Subalit may isang bagay nagpapagulo ng isip ko ngayun. May isang tao na nagpakita sa akin ng interest sa akin at nagtapat na din sya sa akin ng damdamin. Subalit hindi ko maintindihan kung bakit parang habang tumatagal parang palayo ng palayo na yung mga damdamin namin. Nais ko pa sana sya maging kaibigan at makilala pa sya. At pakiramdam ko na pagkatapos ko sya tangihan sa isang bagay na request nya ngayun araw ay parang lalo na sya lalayo sa akin. Bakit kase may mga tao na manhid, hindi makaramdam na mali na yung ginagawa nya? Isa lang pinagdadasal ko na sana maging mabuti pa kami magkaibigan dahil naniniwala ako na isa sya mabuti tao at may lungkot ako nakikita sa mga mata nya. Na parang may bagay na gumugulo sa isip nya at kahit wala sya problema sa pera, ramdam ko na malalim naman ang problema nya sa mga mahahalaga bagay sa buhay. Nais ko sana sya tulungan kung kaya't pinagdadasal ko ngayun gabi na ito na mas makilala ko pa sya at mabigyan ako ng pagkakataon para matulungan sya.
Masaya na din yung pakain-kain lang at walang i-stress na iniisip masyado. Napasarap ang kain ko sa Mang Inasal kaninang gabihan subalit ang aking isip ay lumilipad habang kumakain. Patuloy ko pa rin iniisip ang tao na yun kung bakit siya ay tila nagbabago na ng damdamin para sa akin. Pero pinilit ko na lamang wag isipin ang bagay na yun, nais ko lamang na sana ako ay makapagpahinga at makapag-enjoy ngayun linggo dahil mapapalaban na naman ako bukas ng umaga para sa aking pagsasanay sa pagtuturo.
Nagpapasalamat ako sa isang tao na patuloy na binibigyan ako ng ngiti at pilit na pinapagaan ang mga suliranin na akin nararamdaman sa pang araw-araw na buhay na aking hinaharap. Lubos ako biniyayaan ng mga tao na patuloy na nagmamahal sa akin at patuloy na naniniwala na kaya ko magtagumpay sa larangan na aking pinili gawin. At isa siya sa tinuturing ko na tao na lubos na ako kilala at lubos na din ang tiwala ko sa kanya.
Subalit ayoko na talaga magpakita ng aking lubos na nararamdaman sa mga tao sa paligid ko. Mas nanaisin ko na lang na itago ang lahat ng nararamdaman ko para kanino man. Ayoko na masaktan at umasa muli, dahil sigurado masasaktan na naman ako muli. Takot na ako ipakita mga nararamdaman ko para sa mga tao na ito na patuloy na nagpapagulo ng aking damdamin. Siguro mas maganda kalimutan ko na muna kung anu man ang nararamdaman ko ngayun para sa kanila. Ayoko na guluhin ang isip at damdamin ko kung ito ba ay masasabi ko ng higit pa sa kaibigan na ang nararamdaman ko. Mas nanaisin ko na lamang itago ito at gawin lihim ng aking puso ang lahat. Para kung mawala sila sa buhay ko, lihim na din ako masasaktan at mangungulila sa kanila. At sa ganun paraan hindi masyado masakit, hindi masyado halata na ako ay nasasaktan na pala. Hindi ko alam kung tama ba ito ang aking nagiging kasanayan ng pag-iisip ko. Basta ang nais ko lamang ay maging manhid sa kahit anu pa ibato sa akin ng mga mabulaklak na damdamin at palabiro tadhana na patuloy na kumikitil sa akin isip at damdamin.
Gusto ko mas mapatunayan sa sarili ko na kaya ko mag-antay sa tamang panahon na kung saan ako ay lubos ng magiging maligaya sa buhay pag-ibig ko. Mas paninindigan ko ngayun na ako ay magiging isnag puno na lamang na kung titignan mo ay parang nararamdaman na sakit sa kahit anu bagyo man o matinding unos ng sikat ng araw. Siya ay patuloy na nakatayo lamang at pinapakita s alahat na okay lang sya, wala dapat ipagaalala.
Tanggap ko na din na yung isang tao na lubusan ang aking paghanga simula pa nung ako ay High School pa lang siya na talaga ang sinisigaw nga aking damdamin. Hindi na ako aasa sa mga sinabi ng mga ka-batchmate namin na gusto din daw nya ako simula pa ng kami ay high school pa lamang. Kaaya mas maganda talaga manatili na lamang tayo manhid sa anuman nararamdaman natin. Masanay itago ang lahat ng mga especial na nararamdaman natin upang makaiwas sa anuman sakit na maari idulot nito.
Ayoko na balikan yung dating ako. Masyado showy sa mga nararamdaman nya sa ibang tao. Kaya sa huli ako yung naghahabol at nagmamakaawa wag ako iwan. Pipilitin ko ng ibaon sa limot ang lahat ng mga iyon at kalimutan na minsan sa buhay ko ay naging isang tanga ako lalo na sa pagpapakita ng nararamdaman ko sa ibang tao.
Makakatulog na ako ng mahimbing dahil alam ko sa sarili ko na ako ay isang babae na alam na ang kanyang lugar sa buhay ng mga tao nagmamahal sa kanya at sa tao na lihim na nya nagugustuhan. Maari ko isabay na lamang sa simoy ng lamig ng hangin sa gabi ito ang lahat nga aking naisulat sa blog ko ito. At sana ito ay umihip sa panaginip nya at maunawaan nya na ayoko siya mawala sa buhay ko at nais ko pa sya makasama pa ng matagal na panahon. At itatago ko ang lahat ng nararamdaman ko ngayun sa isnag sulok ng aking puso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento