Sabado, Enero 18, 2014

Happy Friday!

Ako ay nasa loob ng kwarto sa ikalawang palapag ng eskwelahan na akin pinag-ojt at bigla may naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko at may isang text ako na-received galing sa kaibigan ko na si Sophia.

Bessy: Punta ka na Giligans. Andoon na si Giorgia!

(typing my reply..)

Ako: Bessy!! Wait lang matatapos na ako sa klase ko. *Hit send*

At dahil may labing lima minuto pa natitira bago makauwi ang mga estudyante ko at sa sobrang inis ko dahil sila ay sobra na sa ingay pinayuko ko sila sa kanila upuan habang at walang pwede mag-ingay kahit isa. Tapos ginawa nila manahimik habang nakayuko sila sa desk nila. At nakakatawa lang pagkasapit ng 12nun na kung saan pwede na sila umuwi ay sabay sabay sila sumigaw na YES!! PWEDE NA UMUWI!!! Ha ha.. Hindi ko mapigilan matawa. At sumunod na ako sa pagmamadali makaalis ng klase at makapag time-out sa ojt ko at sumakay ng jeep. Pinili ko dumaan sa C5 malapit sa signal para mas mabilis ako makarating sa Market-Market giligans dahil doon nga ang Giligans ang aming meeting place.

Tanghali tapat yun at nagmamadali ako mag-ayos, sumakay ng jeep na diretsio ng Market-Market at sa wakas nakarating na ako sa aming meeting plaxw at nakita ko nga sila Giorgia, Corpy at Sophia! At binati ko an si Giorgia na ngayun ay kakabalik lang ng pinas pagkatapos ng 2 years ng huli nyang bisita. Napaka-saya ng aming kwentuhan habang inaantay sila DM at Jem. At nabanggit ni Giorgia na sya ay isnag supervisor na ng isang hotel sa Australia. Cool right. And we're relaly proud to her. At isa pa rason upang kami ay magsaya ng tanghali na yun dahil RN na si Corpy! At huli si Sophia ay natanggap na sa Pateros Catholic School bilang substitute teacher ng Grade 3. Napaka-rami rason para kami ay mabusog sa tanghali na yun. Haggang lumipas ang ilang minuto pa ay dumating na si DM at Jem na galing pa sa kanilang grave yard shift ng work nila. At kahit pagod at puyat sila ay masayang mukha ang pagsalubong nila sa amin. Nagpatuloy ang aming masayang kwentuhan dahil ngayun na lang kami nagkita-kita at nabusog ako sa unli rice naminb sa Giligans. Ha ha.

Pagkatapos ng aming amsayang Lunch date sa Giligans nag-strolling kami sa loob ng Maket-Market at nakakatuwa kase nakasama namin si Kein ang boyfriend ni Sophia na isang seaman ngayun lang anmin sya nakasama sa gala. At kami ay pumasok sa Lounge ng Market-Market ang sosyal lang first time namin pumasok doon ha ha para lang mag-CR. Nakakatuwa lang dahil amy privelage card si Kein kaya kami ay nakapasok sa sosyal na CR ng Market-Market. At habang nagalalakad kami ay nakita ko ang DQ Ice cream store at niyaya ko sila mag-ice cream at napagdesisyunan namin sa COLD STONE sa serendra kami mag-Ice cream.

At sakto pag pasok namin sa Cold Stone...

DM: Beh hindi ako good catcher!
Ako: Huh? Bakit??
DM: Kailangan mo saluin yung Ice Cream.

Ha ha nakakatawa ngayun ko lang na-experience makakita ng ganun naibabato sayo ang Ice Cream at dapat ma-catch mo yung lagayan another cool thing. Ha ha.. At habang pumipili kami ng flavor napili ko yung Dark Chocolate. At masarap sya sobra parang Chocolate talaga na nag-melt sa mouth ko.

At natapos ang aming dessert sa Cold Stone at kami ay umupo sa serendra at nagsimula magkwentuhan ng maraming bagay-bagay. Ang topic? Walang katapusan na LOVE LIFE. Si giorgia ay masaya sa long distance relationship nya sa isang Americano na nasa country side ng USA. At isa pa sa nakakatawa napag-kwentuhan namin ay yung mga sexual thing na nakakatawa na lang namin napagkwentuhan. At si DM na masaya din sa 5 months boyfriend nya ngayun. Sila na talaga ang masaya ang lovelife. Naisip ko kailan ko kaya mararanasan ulit yung ganun feeling. Yung feeling an inlove at secured ka sa relationship mo na proud ka ikwento na ganito boyfriend ko, ganyan sya...


Lumipas ang oras at nagsimula magyaya si Sophia at Kein na magpaalam dahil sila ay mag-dadate pa.lols! At si corpy naman ay tinawagan siya nga ate nya dahil nasa Hospital Papa nya, nothing serious kase pina-check up lang naman si tito. Ang ending kami 3 na lang nila Giorgia at Dm. At nagyaya si DM na kami ay manuod ng sine..

So dumiretsio kami sa Market2x Cinema sa 4th Floor at namili akmi ng palabas. Ang napili ko ay ang THE WOLF IN THE WALL STREET. Mukha kase sya maganda at sabi ng friend ko na si She She ay maganda nga daw sya nung kami ay nag-tweet sa twitter nung isang araw. At pagkatapos bumil ng sine at last full show pa sya mga 9pm pa.. kaya kami ay tumoy sa Time Zone nakakatawa lang kase ang saya ng PhotoBooth snapshot picture2x namin, tig isa kami tatlo ng shots nakakatawa sobra., ang dami namin nilaro at lahat yun ay pinagod lang kami. At isa sa nakakpagod na nilaro namin ay yung DANCE REVO na sa sobrang asar ko hindi ko alam kung tama pa yung tiantapakan ko. At tawa ng tawa si DM sa amin ni Giorgia habang naglalaro kami. Nakakapagod talaga sya at masaya kami pumunta s Tokyo Tokyo sa 2nd floor at umorder kami ng meal na good for 4 persons. Nakakatawa talaga ang mga kwentuhan namin at hindi namin naubos ang pagkain namin kaya tinake-out na lang namin..

Finally it's almost 9pm at sakto pag dating namin sa Cinema 6 walang pila hindi katulad sa Cinema 5 na Bride for Rent yung movie talaga pinipilahan. Pagkapasok namin sa Cinema 6 bigla kumanta ng Lupang Hinirang hahahahahahah nakakatawa sakto ba naman pag pasok namin nag-National Anthem.

Umupo kami sa G- 10, 11, 12 at kami ay umupo at inantay palabasin ang The Wolf in the Wall Street. At ang bida ay si Leonardo Caprio at ang gwapo nya kahit matanda na sya. Ang palabas ay puro mura at sexual at may mga drug thing pa. Pero masasabi ko na napaka-ganda ng casting at ng buong kwento. Isa sya drug addict at sex addict at the same time. Ilan beses na sya ginising ni God para magbago at may mga reasons sya bakit patuloy nya pa din ito ginagawa. Nakita ko din yung epekto ng drugs at sobrang nakakalungkot yung mga nangyari sa Main Character na si Jonathan. At habang nanunuod kami hindi namin nalaman na 3 hours pala ang movie na yun kaya mag 12am na nasa sinehan pa kami. Nakakatawa kase pare-parehas kami lowbat ang phone. At isa pa napaka-lamig sa sinehan sobra haggang paglabas ng sinehan ang lamig.

Napakasaya ko aalalahanin ang lahat ng mga nanyari at anpagkwentuhan namin kagabi. At nagdecide kami magkita-kita kami next week sa Carmona Estate na kung saan bibisita kami sa bahay nila Giorgia na kung saan taga doon din ang mga tita ko. Nakakatuwa talaga magkaroon ng isnag grupo ng kaibigan na since HS kami na talaga ang magkakasama na kahit lumipas man ang taon sa amin at ngayun may mga kanya-kanya na kami buhay ay hindi pa din namin nakakalimutan ang barakada. Masasabi ko napakaswerte ko sa mga kaibigan at isa sila sa mga bagay na hindi ko makakalimutan sa mundo na ito.

Linggo, Enero 12, 2014

Comfortable Numb

Ngayun ay araw ng Linggo. Kailangan mag-simba at mag-pasalamat sa Diyos sa mga biyaya na patuloy nya na binibigay sa atin sa pang araw-araw. Isa sa mga natapos ko gawin sa araw na ito ay ang pag gawa ng pagsusulit para sa ika-apat na taon ng sekondarya ng Araling Panlipunan na pinamagatan El Filbusterismo. Nakakatuwa lang kasi isa ito sa mga unang bagay na achieve ko gawin this 2014. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag may nagawa ka isang bagay na hindi mo pa nagagawa kahit kailan at magugulat ka na lang pagkatapos mo magawa yung bagay na yun, ay masarap sa pakiramdam kase nalaman mo na kaya mo pala. The best pa yung na-appreciate ng aking Critic Teacher ang aking nagawa pagsusulit para sa ikatlong markahan at inatasan din nya ako na ang mag-discuss ng mga importante detalye para sa pagsusulit ng ika-apat na taon.

Subalit may isang bagay nagpapagulo ng isip ko ngayun. May isang tao na nagpakita sa akin ng interest sa akin at nagtapat na din sya sa akin ng damdamin. Subalit hindi ko maintindihan kung bakit parang habang tumatagal parang palayo ng palayo na yung mga damdamin namin. Nais ko pa sana sya maging kaibigan at makilala pa sya. At pakiramdam ko na pagkatapos ko sya tangihan sa isang bagay na request nya ngayun araw ay parang lalo na sya lalayo sa akin. Bakit kase may mga tao na manhid, hindi makaramdam na mali na yung ginagawa nya? Isa lang pinagdadasal ko na sana maging mabuti pa kami magkaibigan dahil naniniwala ako na isa sya mabuti tao at may lungkot ako nakikita sa mga mata nya. Na parang may bagay na gumugulo sa isip nya at kahit wala sya problema sa pera, ramdam ko na malalim naman ang problema nya sa mga mahahalaga bagay sa buhay. Nais ko sana sya tulungan kung kaya't pinagdadasal ko ngayun gabi na ito na mas makilala ko pa sya at mabigyan ako ng pagkakataon para matulungan sya.

Masaya na din yung pakain-kain lang at walang i-stress na iniisip masyado. Napasarap ang kain ko sa Mang Inasal kaninang gabihan subalit ang aking isip ay lumilipad habang kumakain. Patuloy ko pa rin iniisip ang tao na yun kung bakit siya ay tila nagbabago na ng damdamin para sa akin. Pero pinilit ko na lamang wag isipin ang bagay na yun, nais ko lamang na sana ako ay makapagpahinga at makapag-enjoy ngayun linggo dahil mapapalaban na naman ako bukas ng umaga para sa aking pagsasanay sa pagtuturo.

Nagpapasalamat ako sa isang tao na patuloy na binibigyan ako ng ngiti at pilit na pinapagaan ang mga suliranin na akin nararamdaman sa pang araw-araw na buhay na aking hinaharap. Lubos ako biniyayaan ng mga tao na patuloy na nagmamahal sa akin at patuloy na naniniwala na kaya ko magtagumpay sa larangan na aking pinili gawin. At isa siya sa tinuturing ko na tao na lubos na ako kilala at lubos na din ang tiwala ko sa kanya. 

Subalit ayoko na talaga magpakita ng aking lubos na nararamdaman sa mga tao sa paligid ko. Mas nanaisin ko na lang na itago ang lahat ng nararamdaman ko para kanino man. Ayoko na masaktan at umasa muli, dahil sigurado masasaktan na naman ako muli. Takot na ako ipakita mga nararamdaman ko para sa mga tao na ito na patuloy na nagpapagulo ng aking damdamin. Siguro mas maganda kalimutan ko na muna kung anu man ang nararamdaman ko ngayun para sa kanila. Ayoko na guluhin ang isip at damdamin ko kung ito ba ay masasabi ko ng higit pa sa kaibigan na ang nararamdaman ko. Mas nanaisin ko na lamang itago ito at gawin lihim ng aking puso ang lahat. Para kung mawala sila sa buhay ko, lihim na din ako masasaktan at mangungulila sa kanila. At sa ganun paraan hindi masyado masakit, hindi masyado halata na ako ay nasasaktan na pala. Hindi ko alam kung tama ba ito ang aking nagiging kasanayan ng pag-iisip ko. Basta ang nais ko lamang ay maging manhid sa kahit anu pa ibato sa akin ng mga mabulaklak na damdamin at palabiro tadhana na patuloy na kumikitil sa akin isip at damdamin. 

Gusto ko mas mapatunayan sa sarili ko na kaya ko mag-antay sa tamang panahon na kung saan ako ay lubos ng magiging maligaya sa buhay pag-ibig ko. Mas paninindigan ko ngayun na ako ay magiging isnag puno na lamang na kung titignan mo ay parang nararamdaman na sakit sa kahit anu bagyo man o matinding unos ng sikat ng araw. Siya ay patuloy na nakatayo lamang at pinapakita s alahat na okay lang sya, wala dapat ipagaalala.

Tanggap ko na din na yung isang tao na lubusan ang aking paghanga simula pa nung ako ay High School pa lang siya na talaga ang sinisigaw nga aking damdamin. Hindi na ako aasa sa mga sinabi ng mga ka-batchmate namin na gusto din daw nya ako simula pa ng kami ay high school pa lamang. Kaaya mas maganda talaga manatili na lamang tayo manhid sa anuman nararamdaman natin. Masanay itago ang lahat ng mga especial na nararamdaman natin upang makaiwas sa anuman sakit na maari idulot nito.

Ayoko na balikan yung dating ako. Masyado showy sa mga nararamdaman nya sa ibang tao. Kaya sa huli ako yung naghahabol at nagmamakaawa wag ako iwan. Pipilitin ko ng ibaon sa limot ang lahat ng mga iyon at kalimutan na minsan sa buhay ko ay naging isang tanga ako lalo na sa pagpapakita ng nararamdaman ko sa ibang tao.

Makakatulog na ako ng mahimbing dahil alam ko sa sarili ko na ako ay isang babae na alam na ang kanyang lugar sa buhay ng mga tao nagmamahal sa kanya at sa tao na lihim na nya nagugustuhan. Maari ko isabay na lamang sa simoy ng lamig ng hangin sa gabi ito ang lahat nga aking naisulat sa blog ko ito. At sana ito ay umihip sa panaginip nya at maunawaan nya na ayoko siya mawala sa buhay ko at nais ko pa sya makasama pa ng matagal na panahon. At itatago ko ang lahat ng nararamdaman ko ngayun sa isnag sulok ng aking puso. 

Biyernes, Enero 10, 2014

It's Been Months and for the First Time, What Past is Past!

Hindi ko alam kung bakit naisip ko gumawa ng blog. I just felt like I wanted to try something new this 2014. And one of the new things that I want to try is this. Feeling ko kasi sa blog mas ma-express ko yung mga gusto ko sabihin. No more holding back, just let it out! Pag sa ibang social network like facebook and twitter parang mas korni pag doon ka mag-dradrama. So I think blogging is the best way for me to share all my sentiments and whatever things that I want to share.

And since it's already 2014, I titled my blog as "Ashley@365". Wala lang gaya gaya lang ako sa friend ko, kase mukhang maganda mag simula ako sa 365 days of my life. It's like today (January 11, 2014) is the first day of the first month for me. And as a popular quotation said, write a good one. Days, weeks and months will pass by and I want to cherish each day of my life by writing down all my sentiments, joy, sorrow, frustrations, achievements, happenings and many memorable experience of my life. 

Today is Saturday at kahit weekends ngayun required kami pumunta sa school just to assist our students for the dance presentation for the Foundation Day this coming January 27-30, 2014. Nakakaloka lang kase masakit pa din puson ko at wala ako choice kundi pumasok. 

Napaka-rami bagay ako dapat gawin at dapat tapusin ngayun katulad ng exams, thesis and powerpoint presentation for my final demo teaching in January 22, 2014 *sigh*.

Pero bakit ganun kahit busy ako naalala ko pa rin sya (I'm referring to my last boyfriend). Sabi ko sa sarili ko hindi ko na bubuksan yung facebook ko para tignan lang yung profile nya. Pero kaninang umaga as I opened my account, naalala ko sya at tinignan ko profile nya. Ang epic lang kase nakita ko nag-palit sya ng profile picture nya at cover photo nya. And guess what anu ang bago nya cover photo? Ang bago cover photo lang naman nya yung mga friends nya habang nasa tagaytay sila. Chef lang talaga kase mukhang totoo nga yung sinabi nya sa akin nung nag-break kami na masaya na sya sa buhay nya kahit wala ako. Hindi na nya ako ma-mimiss. At ang pinaka-masakit sa lahat, hindi na nya ako mahal. Chef lang yun lang ang pinaka-masakit sa lahat at pilit ko kinakalimutan ko na. Pero paninindigan ko din yung sinabi ko na hindi ko na sya guguluhin, dahil ayoko na din mag mukhang tanga. I don't deserved him. Lahat ng sakit na naramdaman ko noon dahil iniwan nya ako, alam ko may kapalit na saya yun pag nakita ko na yung tamang lalake na para sa akin. Naniniwala ako na may darating na lalake sa buhay ko na hinding hindi na paparamdam sa akin yung mga sakit na naramdaman ko sa relasyon namin dati. Maybe, bata pa talaga kami kaya hindi nag-work out sa amin. Bata pa kami in a sense na immatured pa kami sa pag dating ng pakikipag-relasyon. Sabi nya nakakasakal daw ako, at OA mag-selos. At tanggap ko na mali ako doon. Ngunit hindi ko matanggap na agad agad nawala yung feelings nya. Yung happy memories namin together. Nakalimutan na nya yung first kiss namin habang hinahatid nya ako sa sakayan. First Movie date namin na sabi nya first time nya daw manood ng movie sa sinehan. Nakakatawa noh na parang sweet yung dating sa akin. Haha. Nakalimutan na din nya yung lahat ng efforts nya sa akin for 5 months na relasyon namin. Yung araw-araw na pag tetext-an namin at yung mga panahon na tatawagan pa nya ako para lang itanung kung nasaan ako, kung safe ako nakauwi sa bahay at pag mag-goodnight sya at magsasabi ng mga salita na sobrang na-mimiss ko sa kanya. Ang mga salita na pinaghahawakan ko at nagpapaniwala sa kain na may totoo pag-ibig. Mahal na mahal kita at sobrang miss na kita, yang mga kataga na yan na iba ang effect sa akin pag sya na ang nagsabi. Sobrang miss ko na sya pero sobrang sakit na din lahat ng mga nangyari sa amin. Kaya tanggapin ko na lang na hindi talaga lahat ng bagay sa mundo na ito ay para sa atin. Maari makuha natin pero agad-agad mawawala din sa atin kase baka kaya nawala para matuto tayo maging strong at tumayo sa sarili natin mga paa. At matanggap natin ang katotohanan sa mundo na ito na wala talaga perpekto. At lalong lalo na hindi natin pwede ipilit ang mga bagay na hindi talaga para sa atin. So, I knew to myself that I really wanted him to come back but I choose not to, because I know God has a reason for everything. I just trust Him and not my own will. I'll keep on my faith that this time I will be a better person and looking forward for many beautiful things and lesson God will teach me in my journey. God is really good all the time!

Naalala ko lang din yung mga ginawa ko noong mga first week ng break-up namin. Sobrang stress ako sa sarili ko, hindi ko kinakausap kahit sino. At sa Practice Teaching ko lagi ako wala sa mood, at palage mainit ulo ko sa mga estudyante ko kaya ang lagi sinasabi ng mga students ko lalo na sa 3rd year High School ko na ang sungit ko daw. Ha ha. Hindi nila alam baliw din ako minsan. :D Pero kahit sobrang busy ko sa practice teaching nun kase from 6am to 4pm yung klase ko, pag uwi ko naman sa bahay kahit pagod na pagod ako naalala ko pa din sya. Inaantay ko pa din mag-text sya, baka tumawag sya. Baka i-add nya ako ulit sa facebook ko (iun-friend ko kase sya at naka-block din sya). O kaya i-chat ako ng mga common friends namin at sabihin na nakikipag-balikan na sya sa akin. Pero hindi nangyari yun. Lumipas yung linggo, haggang sa naging buwan na. Hindi na ako umasa at hindi na ako umaasa. Kaya kahit masakit noon kase lagi ako umiiyak bago matulog habang nakikinig ng mga senti-songs sa mp3 ko haggang sa makatulog ako. Kahit sa school makikita nila ako naka-headset tapos kumakain sa canteen mag-isa walang kausap. At bakas na bakas sa mukha ko na malungkot ako. Pero pinilit ko pa din magmove-on. Pinilit ko pa din maging masaya. Kaya ginawa ko noon nagbabasa basa ako ng mga books like wattpad at mga advise book how to move on. And guess what, wala ako sinunod kahit isa sa mga naka-list na paano mag-move on. Ha ha. Siguro dahil naniniwala ako na may kanya kanya tayo way how to move on. Kase ako hindi ko hilig magpagupit ng buhok after break-up, hindi ko hilig kumain ng madami like stress-eating ang tawag nila. Wala kahit isa doon ang ways ko paano mag-move on. I just embrace the pain while I'm in the process of accepting the fact the he will never ever come back to me. Haggang sa matanggap ko na din na hindi kami talaga para sa isa't isa na may iba sya priority at may iba ako priority. 

Ngayun as for the present, I just enjoying what ever happenings and people coming into my life. Naniniwala na kase ako na dapat hindi minamadali yung mga bagay bagay lalo na sa pakikipagrelasyon. Dapat there's a long friendship and courtship before you guys decide to put your relationship on the next level like romantic relationship/marriage. I really want to take things slow now. Ayoko na pag gusto ko agad yung guy, at gusto din nya ako makikipag-relasyon na ako agad. I've learned that love is not enough for a relationship to work out. There's should be a strong bond, long patience, trust and GOD is the center of your relationship. Sabi nga ng friend ko "Hinding hindi ka magkakamali sa lalake pipiliin mo, kung yung lalake na yun ay may takot sa Diyos. Hindi dapat gwapo o mayaman ang sukatan, dapat may maganda sya relasyon sa pamilya nya at sa Diyos." And I strongly agree on that part. :)

Kaya kahit may mag nanliligaw at gusto manligaw man sa akin. Yung mga nagpaparinig at nagpaparamdam ng kanilang mga balak. Ang lagi ko lang sagot na, ayoko pa, ayoko muna, tama na muna, time-out muna ako. Kase alam ko sa sarili ko na hindi pa ako ready. At ayoko mag-risk ng sobra muna ngayun, gusto ko muna magpahinga sa lahat ng bagay na pwede magpasakit sa akin. Gusto ko this time mas worth it na yung tao pipiliin ko, yung sure na sure na ako. At walang kahitt anu doubt and if God will allow sana yung guy na sunod na makaka-relasyon ay sya na din yung huling lalake na mamahalin ko dito sa mundo. Sya na yung bubuo ng mga pangarap ko katulad ng masayang pamilya at buhay na mapayapa.